Thursday, October 27, 2011

Top 30 Rules ng Facebook According to Jayson

1. Iwasan ang pabigla – biglang pagpapalit ng relationship status. Lalo na kung mababaw lang ang dahilan tulad ng late reply sa text o hindi pag iloveyou sayo ang jowa mo kaninang alas tres (sarili nyong 3 o’clock habit). Dahil pag nagka-ayos kayo, at ibinalik mo sa dati ang status mo, ikaw din ang magmumukhang praning.

2. Walang masama kung purong tagalog ang shout out mo. Wag matakot na sabihan nang “uy makata”. Kesa naman panay nga ang english, sablay naman ang grammar at hindi kakikitaan ng sense ang sinabi. (iba ang you’re sa your).

3. Check in. Ang post kung saan sinasabi ang kasalukuyan mong lokasyon. Positibo. Pwedeng maging safety precaution. At least alam nila kung saan ka huling pumunta sakaling di ka mahagilap ng ilang araw. Negatibo. Easy prey ka sa mga serial killers o sa kaibigan na may galit sayo. (Ingat ka silvestre. hehehe)

4. May “about you” page ang FB. Dun mo isusulat ang mga hilig mo. Di mo na kelangan pang magpost ng magpost ng mga youtube videos nila Ozzy Osbourne, Metallica o Korn para ipagdiinan na rakista ka. Ikaw din, baka mahirapan kang panindigan. Lalo na pag tumugtog na ang paborito mong kanta ni Katy Perry. Napaindak at sing along si kumag.

5. Hindi kelangan magpost ng mga litrato o video nang iniembalsamo o bangkay na durog durog ang katawan at labas ang mga laman loob. Palit kaya kayo nung andun sa picture. Ako naman ang magpopost.

6. Magtira ng konting privacy para sa sarili. Hindi lahat ng bagay ay dapat ishare. Lalo na sa social media. Sarilinin mo nalang ang gusot sa pamilya o away mag asawa. Pribado na yon. Post ka ng post, tapos mababadtrip ka kung gagawing pulutan sa inuman ang kwento ng buhay mo.

7. Ok lang ipost ang mga bago mong gamit. Gaya ng mga gadget, damit o accessories. Natural lang maging proud ka lalo na kung pinaghirapan mo o importanteng tao ang nagbigay sayo nito. Di lang siguro tama na sabihing “hay nakakapagod na magshopping, andami ko kasi pinamili”.

8. Kung sakaling may nagpost ng malungkot o kaya’y tungkol sa isang masamang pangyayari sa kanila, wag mong i-like. Ano yun? Nagustuhan mo pa na sumemplang siya sa kanal.

9. Wag mong i-like ang sarili mong post. Kaya nga pinost mo in the first place. Mas malala kung ikaw din ang magcocomment. Parang loner ka naman nun.

10. Wag kang basta basta magpost ng nakakagagong comment, lalo na sa mga picture kung saan may mga taong di mo kilala. Halimbawa: “Pre, sino yang kasama mo sa pic? si Bella Flores?”. Huli mo na nalaman. Girlfriend pala niya yun.

11. Kung sakaling may nagpost ng matino at informative na mensahe. Magpasalamat. Huwag mag angas sabay comment nang “ay luma na yan, huli kana sa balita” o kaya “wala, kalokohan lang yan”. Wag kang magmagaling. Matalino kaba na parang si Rizal? E di pabaril ka sa Luneta.

12. Wag gamitin ang FB para magpakalat ng maling impormasyon at maghatid ng mass hysteria. Pero kung sino man ang napost na aabot dito ang radiation sa japan. Nagpapasalamat sayo ang manufacturer ng Betadine.

13. Wag sumali at i-like ang isang fan page kung puro kagaguhan lang ang ipopost mo sa wall nito. Halimbawa, nagpamember ka sa page ng isang seksing artista tapos mag cocomment ka lang ng “uy, sarap mo naman, parang mainit na lugaw sa malamig sa madaling araw”. Tapos magtataka, “hala.. bakit ako na banned?”.

14. Hindi lang ikaw ang may gustong manood ng sine. Wag kang mag post ng mga spoilers na maaaring ikabadtrip ng iba. “just watched Nardong Putik: Ang Pagbabalik Ni Totoy Burak, ganda ng ending, napatay nya ung kontra bida sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo ng isang palayok, pero sad dahil huli na nang malaman nya na tatay niya pala yun..”.

15. Di naman ata kelangan simulan ang post mo sa salitang “Damn!!” o kaya “Oh gosh” lalo na kung di naman malubha o kagulat gulat ang pangyayari. Halimbawa: “oh gosh, umuulan”. Taga saudi???

16. Wag matawa at kantyawan kung corny o masyadong romantiko ang isang post. Tandaan mo, magmamahal ka din. Lintik lang ang walang ganti. Dami kong kilalang ganyan.

17. Ok lang siguro ipost kung ano at kung saan ka kumakain. Iwasan lang yung pagpopost ng close up pictures nung pagkain mismo. Marami ang nagpapalipas ng gutom sa pamamagitan ng Facebook. Sino ka para inggitin sila. Parang yung feeling na, asa air-con bus ka, pauwi sa bahay at gutom tapos may kumag na kakain ng burger at fries. Langhap mo ang bawat kagat niya. Di maka tao. Dapat palitan ang pangalan niya. Gawing Lucifer.

18. Ok lang siguro ang mag post sa paraang Jejemon. Trip mo yun e. Wag mo nga lang asahan na seseryosohin ka kahit matino ang gusto mong sabihin. Expect mo rin na lahat ng comment sayo e magtatapos sa “jejejeje”.

19. Wag magimbita sa isang okasyon gamit ang shout out mo, tapos may ita-tag ka lang na piling tao. Bangag kaba? Makikita ng lahat ng “friends” mo na iilan lang ang gusto mo papuntahin sa nasabing okasyon.

20. Pwede ba?? HINDI PORKET ALL CAPS E GALIT ANG NAGPOST. BAKA LUMUBOG AT NASTUCK LANG ANG CAPS LOCK.

21. Sapat naman na siguro ang tatlong exclamation point para ipaalam sa bumabasa na puno ng emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng punctuations porket walang bayad ang extra characters tulad ng sa text messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Mali yun. Dapat. Pakyu ka!!!

22. Iwasang magpost kung ikaw ay (a) lasing, (b) nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot o (c) hindi tinirahan ng ulam. Walang gustong makabasa ng pag aamok mo na puno ng mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam ng “FB rage”, magpahid ng menthol toothpaste sa mga palad, at itampal tampal sa mukha mo hanggang sa kumalma.

23. Oo, dapat sulitin ang unlimited surfing na maghapon mong binantayan para lang maregister. Pero di ibig sabihin nun na post lang ng post. Halimbawa, ang ilalagay mo sa shout out mo e tatlong magkakasunond na tuldok. Ano yun? Buti pa quote nalang. Time is gold.

24. Wag trigger happy sa “share” button. Hindi porket di nagappear sa profile page ang mabangis mong status message e kelangan mong tiktikin ang pagpindot. Antayin mo lang. Mamaya ilang beses na pala napost. Paulit ulit. Wag kang atat. Lalo na kung ang ipopost mo e “Patience is a virtue”.

25. Wag mong kakumpetensyahin ang youtube sa dami ng video na nakapost sa wall mo. OK lang siguro kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan may nag susurfing na pusa o kaya naman e makabuluhang excerpt ng isang documentary. Wag naman yung lahat ng mtv ng kantang marinig mo sa jeep o lahat ng episode ng wow mali.

26. Wag ipahamak ang sarili. Kung sakaling pwede naman palang acronym ang isang term e wag mo na itong buuhin sa iyong post. Laugh out loud!!!!.

27. Hindi masamang makisali sa mga occasional drives o campaigns. Tulad ng paggamit ng picture ng nanay mo pag mother’s day o pag post ng mensahe tungkol sa cancer bilang status message mo. Hindi porket di ka nakisali e cool o mas sophisticated ka.

28. Kung may nagcomment o nagpost sa wall mo na di mo kilala ang pangalan pati na ang picture. I-open saglit ang profile. Wag mo agad replyan ng makamandag na “HU U?”. Malay mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang pangalan. O kaya naman e dinagdagan ng H. Mhayhumhi Pharhedez.

29. Kung magcocomment ka, halimbawa sa isang picture, iwasang gumamit ng paghahalintulad sa ibang tao lalo na kung kagaguhan lang ang sasabihin mo. Halimbawa, “baduy ng porma mo pre, parang bisaya lang” o kaya “mukha kang magsasaka”. Tandaan, di ka lamang o nakahihigit sa mga bisaya at magsasaka. Ikaw kaya, magpost ka ng video tungkol sa mga unggoy, tapos may magcomment, “ambobobo naman nila, parang ikaw”.

30. Wag kang magatubiling bumati sa mga post tungkol sa panganganak ng isang ina, pagpapakasal ng magsing irog o pagkatangap sa trabaho. Sa magulong mundo, hindi ba’t masarap ishare ang mga positibong pangyayari.








Monday, October 24, 2011

Minsan May Isang Puta

“Minsan may Isang Puta” by Ms. Mike Portes won the film grant in 2010 to be a part of an Indie trilogy “Ganap na Babae”. Director and screenplay writer Sarah Roxas together with two other distinguished women directors weaved together three short film screenplays to make a full length feature movie in “Ganap na Babae” (International title : Garden of Eve).
 
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.

Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
 
Pilipinas nga pala.

Wednesday, October 19, 2011

A True Story of Mother’s Sacrifice

After the Earthquake had subsided, when the rescuers reached the ruins of a young woman’s house, they saw her dead body through the cracks. But her pose was somehow strange that she knelt on her knees like a person was worshiping; her body was leaning forward, and her two hands were supporting by an object. The collapsed house had crashed her back and her head.

With so many difficulties, the leader of the rescuer team put his hand through a narrow gap on the wall to reach the woman’s body. He was hoping that this woman could be still alive. However, the cold and stiff body told him that she had passed away for sure.He and the rest of the team left this house and were going to search the next collapsed building. For some reasons, the team leader was driven by a compelling force to go back to the ruin house of the dead woman. Again, he knelt down and used his had through the narrow cracks to search the little space under the dead body.
Suddenly, he screamed with excitement,” A child! There is a child! “

The whole team worked together; carefully they removed the piles of ruined objects around the dead woman.There was a 3 months old little boy wrapped in a flowery blanket under his mother’s dead body. Obviously, the woman had made an ultimate sacrifice for saving her son. When her house was falling, she used her body to make a cover to protect her son. The little boy was still sleeping peacefully when the team leader picked him up. The medical doctor came quickly to exam the little boy. After he opened the blanket, he saw a cell phone inside the blanket.
There was a text message on the screen. It said,” If you can survive, you must remember that I love you.”
This cell phone was passing around from one hand to another. Every body that read the message wept.
” If you can survive, you must remember that I love you.” Such is the mother’s love for her child!!

Sunday, October 16, 2011

Movie: No Other Woman: Big Success!

Big Success!!

Apparently due to the astounding success of “No Other Woman,” the film’s stars reportedly received bonuses from no other than ABS-CBN’s big bosses Gabby Lopez and Charo Santos-Concio.
Lead stars Anne Curtis, Derek Ramsay, and Cristine Reyes, as well as “No Other Woman” director Ruel Bayani and writers Kriz Gazmen and Jay Fernando, were handed their respective checks during the film's thanksgiving party last Oct. 5, Journal Online reported.
“No Other Woman” is Star Cinema and Viva Films’ latest blockbuster hit, grossing P100 million in the first five days after opening on Sept. 28.

 And..Here's a movie review from Neil (lateforreality.com):

Don’t really want to go through the movie from start to finish, but basically Derek randomly meets Anne while he’s swimming. They see each other again at a resort that Anne’s dad owns, they decide to hang out, end up kissing, hang out again, then they end up going all the way and having sex. So Derek basically cheats on Cristine, his wife.
I think acting-wise, Derek was just ok – not bad, but not great either. It was really a battle between Anne and Cristine. I think they both did exceptionally well with their respective roles. It’s hard to say who I thought did better, maybe Anne.. slightly. She was an outstanding kontrabida, she really owned her role as a mistress.
Derek is one lucky bastard. When you have a beautiful wife, who is kind, loving, caring, at simple lang, why the hell would you want to be a dickhead and cheat on her??
Yeah, sure, Anne might be tempting, but so is porn. It’s something called self-control and remembering why you chose to be with someone.

Favorite parts of the movie…

- Tear-jerker scene #1: The first scene that made me teary-eyed was the scene when Cristine broke down in her room at the resort. I guess I got too into the movie to the point that I just really felt sorry for Cristine, and I could really imagine how she must have felt through it all. Her acting was very believable, especially in the parts where she first felt apprehensive about whether Derek was cheating or not.
As you watch the movie, all that you feel for Cristine really builds up inside, and then I guess that scene at the resort is what eventually brings it out for ya. First she makes up with Derek and you are led to believe that everything is ok. Cristine then comes with Derek to Anne’s resort to kind of shove it in her face that they’re ok, despite Cristine’s knowledge of Derek’s adventure on the sideline. Then there was a scene where Anne was alone, lying down on a chair in a two-piece. Cristine approached her and started throwing all these killer lines at her hahahah! Then she took off what she was wearing to reveal her two-piece, and I guess also to show Anne that she’s not the only one who has a body to flaunt. One of the lines I remember Cristine saying was “Alam mo anong tawag sa mga umaagaw ng asawa? Ahas. Yung bikini mo, baka balat mo lang yan” (Anne was wearing a snake skin bikini) hahaha!
Another line was “Ang marriage ay parang exclusive village lang. Kailangan binabantay mo para hindi makapasok ang mga squatter.” which Anne retaliated with, “Buti nakapasok ka pa dito sa resort. Bawal kasi ang ugaling skwater dito” haha.
Line after line, Anne eventually said something to Cristine that literally crushed her on the inside. Ipinamukha niya kay Cristine ang lahat ng ginawa nila ni Derek, and how much she enjoyed all of it.  It was too much for Cristine to take in, tears rolled down her face and she just walked off without a word. And that’s when she decided “fuck this!” and packed her shit ahaha, and then Derek just so happened to come in at the RIGHT time.. with a look on his face that just screamed “shit! she’s actually leaving!” hahaha. But on a more serious note, this exact scene, particularly when she broke down when Derek came in the room, was what made me teary.

Rating: 9/10

No dull moments. Amazing story. Above par acting by both Cristine and Anne. Almost perfect character development. Some eye-opening (in the sense that it’s true, not really eye-opening as in shocking) lines by Anne, and so many funny lines from Cristine and her mother hahah. And lastly, there’s definitely a lesson to learn from the movie.
One of those movies you have to get on DVD. :)

Thursday, October 13, 2011

Girl Rises From The Grave

COTABATO CITY, Philippines – Regaining consciousness, a 10-year-old girl clawed her way out of the ground and pointed her parents and the authorities to the cousin who raped her, knocked her out with a blow to the head and buried her in a shallow grave, the police said Thursday.

Inspector Roberto Ocumen, chief of police in the town of Magpet, said the girl told investigators she was raped, then hit with a hard object on the head and buried alive by her cousin Dennis Quilaton, 21, on Sunday.

Ocumen said the girl regained consciousness underground and crawled out of the freshly dug grave.

She managed to reach home through the help of some neighbors and told her parents about her ordeal.

Ocumen said that policemen arrested the suspect on Monday and that he has been charged. He is still under police custody, he said.

The girl’s father said that his daughter was snatched by Quilaton Sunday morning, hit her with a hard object and brought her in a grassy area near their home before sexually abusing her.

The suspect then buried her in a shallow grave, he said.

“Miraculously, she regained consciousness, woke up and crawled until she reached a house and sought help,” the father said.

It was not clear how long the girl had been buried.

http://newsinfo.inquirer.net/71391/g...ints-to-rapist 

Junko Furuta: The Girl Who Went Through 44 days of Torture

photo removed upon request

Junko Furuta. The girl who went through 44 days of torture.
DAY 1: November 22, 1988: Kidnapped
Kept captive in house, and posed as one of boy’s girlfriend
Raped (over 400 times in total)
Forced to call her parents and tell them she had run away
Starved and malnutritioned
Fed cockroaches to eat and urine to drink
Forced to masturbate
Forced to strip in front of others
Burned with cigarette lighters
Foreign objects inserted into her vagina/anus

DAY 11: December 1, 1988: Severely beat up countless times
Face held against concrete ground and jumped on
Hands tied to ceiling and body used as a punching bag
Nose filled with so much blood that she can only breath through her mouth
Dumbbells dropped onto her stomach
Vomited when tried to drink water (her stomach couldn’t accept it)
Tried to escape and punished by cigarette burning on arms
Flammable liquid poured on her feet and legs, then lit on fire
Bottle inserted into her anus, causing injury

DAY 20: December10, 1989: Unable to walk properly due to severe leg burns
Beat with bamboo sticks
Fireworks inserted into anus and lit
Hands smashed by weights and fingernails cracked
Beaten with golf club
Cigarettes inserted into vagina
Beaten with iron rods repeatedly
Winter; forced outside to sleep in balcony
Skewers of grilled chicken inserted into her vagina and anus, causing bleeding

DAY 30: Hot wax dripped onto face
Eyelids burned by cigarette lighter
Stabbed with sewing needles in chest area
Left nipple cut and destroyed with pliers
Hot light bulb inserted into her vagina
Heavy bleeding from vagina due to scissors insertion
Unable to urinate properly
Injuries were so severe that it took over an hour for her to crawl downstairs and use the bathroom
Eardrums severely damaged
Extreme reduced brain size

DAY 40: Begged her torturers to “kill her and get it over with”

January 1, 1989: Junko greets the New Years Day alone
Body mutilated
Unable to move from the ground

DAY 44: January 4, 1989: The four boys beat her mutilated body with an iron barbell, using a loss at the game of Mah-jongg as a pretext. She is profusely bleeding from her mouth and nose. They put a candle’s flame to her face and eyes.

Then, lighter fluid was poured onto her legs, arms, face and stomach, and then lit on fire. This final torture lasted for a time of two hours.

Junko Furuta died later that day, in pain and alone. Nothing could compare 44 days of suffering she had to go through.

When her mother heard the news and details of what had happened to her daughter, she fainted. She had to undergo a psychiatric outpatient treatment . Imagine her endless pain.

Her killers are now free men. Justice was never served, not even after 20 years.
They deserve a punishment much greater than they had put upon Furuta, for putting an innocent girl through the most unbearable suffering.

This story from 1989 is true. Please spread her story around. Everyone should know about the existence of Junko Furuta’s unimaginable and incomprehensible suffering, and this is why this group has been made.

Invite your friends. Never let her story be forgotten. If this story changes the life of at least one person then it has been worth it.

Rest In Eternal Peace,
Junko Furuta
1989-Eternity